ANO ANG MAS MAGAGANDANG PELIKULA: NOON (1990-1999) O NGAYON (2000- kasalukuyan)?
nina Nathan Alberto, Liezel Camarillo, Marife Gumba, Raymond Paul Pineda at Julian Kevin Rivera
I. Ang PANIMULA ng Pananaliksik
A. Panukalang Pahayag
- Ang mga pelikula sa kasalukuyang panahon ay mas maganda kaysa sa pelikula noong dekada ’90.
B. Introduksyon / Paglalahad ng Suliranin
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang pagtukoy ng mga kaibahan ng mga pelikula noon (1990’s) sa mga pelikula ngayon (2000-2008) ayon:’
- Disenyo ng produksyon
- Tema o paksa ng pelikula
- Uri ng pelikula
- Mga “effects” na ginamit
- Musika
- Mga gumanap
- Cinematography
- Film editing
- Picture
- Proseso ng paggawa
C. Rebyu / Pag-aaral
- Nagkulang ang datos ng http://www.onlineessays.com/ sa mga impormasyon ukol sa mga makabagong teknolohiya ng modernong panahon. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mananaliksik na punan ito.
Ayon sa kanilang pag-aaral, sa kabila ng isang dantaon ng industriya ng pelikula sa Pilipinas, pare-parehong mga suliranin pa rin ang kinakaharap simula nang magumpisa ito. Ang pagkakagawa nito ay hindi maganda, sa kadahilanang ang mga pelikula ay parang nireresiklo bawat taon. Subalit, hindi lahat ng pelikulang nagawa ay masama.
Ang iba’t ibang genre ay umuulit ulit lamang at umiikot sa pare-parehong istorya. Ang mga tambalan tulad nina “Guy at Pip” ay napalitan nina “Judy at Wowee”. Nasa industriya pa rin ang mga bomba films na umuso noong mga panahong iyon. Ang pelikulang Tatlo (1998) ay nagkaroon ng paksa ukol sa threesomes. Sa Pilipinong komedya, napalitan na ng mga mas batang komedyanteng aktor ang kilalang Hari ng Komedya na si Dolphy.
1990 hanggang 1999
Sa pagsisimula ng panahong ito, kahit sa huling bahagi ng nakaraang panahon, karamihan sa mga pelikulang Pilipino ay mass-produced at nagsakripisyo ng kalidad ng nito para lang makapaglimbag. Ang mga storya ay nasabing hindi napagisipan at medaling mahulaan ang wakas, ang mga gumanap na aktor at aktres ay kundi hindi ganun kagaling ay sobra ang pagarte. Karamihan sa mga producers ay hindi naging bukas sa mga bagong ideya. Sa halip, mas binigyan nila ng panahon ang pagbibigay ng satispaksyon sa masa at hindi sa pelikulang naipalabas.
Maliban sa mahigpit na laban sa mga pelikulang Hollywood, ang krisis na pinansyal sa Asya, mataas na tax, nasa kapasiyahan at film censorship, high-tech film na pagpipirata, at ang pagtaas ng paggamit ng cable television ang ilan lang sa mga naging sanhi ng pagbaba ng paggawa ng pelikula.
2000 hanggang sa kasalukuyan
Hinirang na pinakaunang paggamit ng digital camera, ang dekadang ito ay ang nagmulat sa mga lokal 3D animated features at ang pagtaas ng digital films ng mga independent filmmakers na may internasyonal na lebel.
Ang mga simbolo ng muling pagbangon ng Industriya ng Pelikulang Pilipino ay may mga tema ng pagbangon at transpormasyon. Noong 2002, ipinalabas ni Gil Portes ang Mga Munting Tinig, ang pelikula tungkol sa isang guro na nagbibigay inspirasyon sa kanyang mga estudyante upang abutin ang kanilan mga pangarap. Ang pelikulang ito ay nakapagbigay rin ng suhestiyon para mapagbuti ang sistema ng edukasyon ng bansa. Matapos ang isang taon, ang komedyang pelikula ni Mark Meily na Crying Ladies, tungkol sa tatlong Pilipina na nagtatrabaho bilang crying ladies sa Chinatown sa Maynila. Noong taon ring iyon ay naipalabas ni Maryo J. delos Reyes ang Magnifico, isang simpleng pelikula tungkol sa isang batang lalaki na sinusubukang tulungan ang kanyang pamilya upang malapagpasan ang mga paghihirap sa buhay.
D. Layunin
a. Pangkalahatan
- Ang layunin ng pananaliksik na ito na makapag-ambag sa mga pag-aaral ukol sa paggawa ng pelikula. Nais ng mga mananaliksik na magbigay ng patnubay sa mga nagnanais, nag-aaral, o kaya ay nagtatrabaho sa industriya ng pelikula.
b. Tiyak
- Isa ring layunin ng mananaliksik ang mailahad ang pagkakaiba ng mga pelikulang naipalabas noong taong 1990’s sa mga naipalabas mula taong 2000 hanggang sa kasalukuyan ayon sa iba’t ibang kategorya.
E. Halaga
- Mahalaga ang pananaliksik sapagka’t ito’y nakakapagbigay ng makabuluhang pamamaraan ng paghahambing at pagkokontrast ng mga pelikulang naipalabas noong 1990’s at mga pelikula sa kasalukuyan ayon sa mga aspeto ng paggawa ng pelikula. Para naman sa mga nagnanais na gumawa ng pelikula sa hinaharap upang sila’y mabigyan ng ideya kung papaano pauunlarin at pagbubutihin ang mga pelikula.
Ang pagaaral ng mga pelikula noon at ngayon ay isa ring paraan upang malinang ang kaalaman ng isang tao. Sa pananaliksik na ito, ang mga Pilipino ay nabibigyan ng pagkakataon, bilang isang mamamayan ng Pilipinas, na magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga nagawang kontribusyon ng mga pelikula sa kanyang bansa.
F. Konseptwal na Balangkas (iclick ang larawan upang makita ito ng malinaw)
- Sa balangkas na ito, ipinakita na sa dalawang magkaibang panahon, ang dekada nobenta at ang kasalukuyan, ay may mga kaibahan batay sa mga aspetong pampelikulang nabanggit. Bagamat magkapareho lang ang proseso ng paggawa ng pelikula sa mga nakalipas na panahon, nagkakaiba naman ang kalidad ng nito sa mga pagbabagong nagaganap. Ang mga pagkakaibang ito ang siyang nagbigay sa mga mananaliksik ng kaisipang higit na maganda nga ang mga pelikulang naipalabas sa kasalukuyan kaysa sa mga pelikula ng naunang dekada.
Sa unang palagay ng mga mananaliksik, ang mga pelikula ngayon(2000-kasalukuyan) ay higit na mas maganda sa mga pelikula noon(1990-1999).
G. Metodolohiya
- Upang makapangalap ng mga kailangang datos para sa pananaliksik na ito, ilang pamamaraan ang isinagawa ng mga mananaliksik.
Una, nanaliksik sila gamit ang makabagong teknolohiyang kung tawagin ay “internet” at nagmula ang mga datos sa ilang website tulad ng Yahoo at Google. Ang ilang naunang mananaliksik na nahanap ng kasalukuyang mananaliksik ay nakapagbigay ng impormasyon sa kanilang mga pag-aaral na siyang may relasyon sa paksa ng pananaliksik na ito. Makikita ang mga sangguniang ginamit sa pangwakas na bahagi ng pananaliksik na ito.
Ikalawa, ang pagbisita sa isang museong pampelikula, ang Mowelfund Film Museum, upang makakuha ng ilang impormasyon tungkol sa iba’t ibang pelikula ng dalawang panahong itinakda ng mga mananaliksik.
Pangatlo, nagsagawa sila ng isang panayam sa director ng nasabi ng museo, Gg. Edgardo “Boy” Vinarao dgpi, na siyang may sapat na kaalaman ukol sa paksang tinatalakay sa pananaliksik na ito. Siya ay miyembro ng Director’s Guild of the Philippines kasama and labing siyam pang mga batikang direktor. Dahil sa kakulangan sa panahon at pananlapi, ay din a nakuhang makapanayam ng mga mananaliksik ang ilan pang mga eksperto sa larangan ng pelikula.
H. Saklaw / Delimitasyon
- Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay lamang sa mga pelikulang nagawa at naipalabas mula taong 1990 hanggang sa taong 2008. Hindi nito itinatalakay ang mga pelikulang nagawa bago pa ang taong 1990.
Ang mga pelikula sa mga nasabing panahon ay inihambing ayon sa mga sumusunod:
- Disenyo ng produksyon
- Tema o paksa ng pelikula
- Uri ng pelikula
- Mga “effects” na ginamit
- Musika
- Mga gumanap
- Cinematography
- Editing
- Picture
- Proseso ng paggawa
Tinatalakay din ng pananaliksik na ito ang bawat batayan ng paghahambing at nagtampok ng mahahalagang datos ukol dito. At upang mas maging malinaw ang paghahambing ay iprinesenta sa pananaliksik ang listahan ng mga pelikulang nagawa sa mga nasabing panahon.
I. Daloy ng Pag-aaral
- Sa pananaliksik na ito ay pinakahulugan ang salitang Filmmaking o paggawa ng pelikula. Ibinigay rin ang iba’t ibang uri ng pelikula at kung anong uri ng daloy ng kwento ang bawat nangyayari sa mga uri. Ang proseso ng pelikula na nahahati sa ilang yugto: Development, kung saan ang script ay isinusulat at ginagawan ng draft para sa blueprint ng pelikula, Pre-production, kung saan ginagawa na ang preparasyon ng shooting, pinipili na ang mga gaganap at kung sino ang mga magtratrabaho sa ibat’ibang mga position. Pinipili na rin ang mga lokasyon kung saan gaganapin ang mga eksena. Kasunod ay ang Production, kung saan ang mga elemento para sa tapos na pelikula ay inererekord. Sumunod ay ang Post-productio, kung saan ginaganap ang pag-edit ng pelikula. Sales and distribution ang yugto ng pagbebenta sa mga sinehan at sa mga manonood.
Nakasaad din dito ang mga posisyon ng mga tauhan sa likod ng kamera na siyang pangunahing elemento ng paggawa: Ang director ay ang responsable para sa mga pag-aarte sa pelikula at nang pagaasikaso sa mga malikhaing element. Ang assistant director (AD) ay ang nagaasikaso sa mga shooting schedule at iba pang mga importanteng gawain. Ang first AD at second AD ay magkaibang trabaho. Ang casting director ang naghahanap ng mga aktor para sa mga parte sa mga skrip. Auditions ay ginaganap para sa paghahanap ng mga aktor. Ang location manager ay ang naghahanap ng mga lokasyon na gagamiting sa pelikula. Ang mga shooting ay isinasagawa sa studio na ginagamitin ng mga effects pero malimit na ginagawa ang mga eksena sa mismong lokasyon na ibinigay. Ang production manager ang nagaasikaso sa mga production budget at production schedule. Siya rin ang nakikipagugnayan sa mga studio executives o sa mga pinanser ng film.Ang director of photography (DP or DOP) o cinematographer ang gumagawa ng mga photography ng pelikula. Siya ay nakikipagtulungan sa director, director of audiography (DOA) at AD. Ang production designer ay ang gumagawa ng kulay ng mga props at setting ng produksyon. Siya ay nakikipagtulungan din sa mga art director para magawa itong mga elementong gagamitin. Ang art director ay ang nagaasikaso sa art department na gumagaw as amga production sets Ang costume designer ang gumagawa ng mga damit ng mga gaganap sa pelikula. Ang makeup at hair designer ay nagtratrabaho kasama ng costume designer para makagawa ng detelyadong pisikal na kaanyuan ng karakter. Ang storyboard artist ang gumagawa ng visual images para makatulong sa director at production designer upang maipagsama ang mga ideya ng production team Ang production sound mixer ay ang lider the sound department. Siya ang nagrerekord at naghahalo ng mga audio sa set. Siya din ay nagtratrabaho kasama ng director, DOP, at unang AD Ang sound designer ay ang gumagawa ng mga bagong tunog na nagbibigay ng kulay sa pelikula sa tulong ng foley artists. Ang composer ay ang gumagawa ng mga bagong musika para sa pelikula.And choreographer ay ang gumagawa ng mga galaw sa pagarte ang mga sayaw. Ginagamit ito sa mga musikal na pelikula. Ang iba naman ay gumagamit ng mga fight choreographer. Nakakalap rin ng listahan ng mga pelikulang nagawa at naipalabas mula noong 1990 hanggang taong 2008, kasama sa datos ang mga gumanap sa particular na pelikula, ang uri ng pelikula, ang director at ang particular na taon na naipalabas.
Dahil sa mga datos na ito, nabuo ng mga mananliksik ang ilang kaisipang siyang maaaring makasagot sa mga kuro kuro ukol sa kaibahan ng mga pelikula noong 1990s at sa mga pelikula ngayon.
II. Ang KATAWAN ng Pananaliksik
A. Panimula (Bahagi ng Katawan)
- Introduksyon sa Paksa
Ang paksa ng mga mananaliksik ay nagkukumpara at nagkokontrast sa dalawang magkalapit na panahon – 1990 hanggang 1999 at 2000 hanggang sa kasalukuyan. Napili nila itong maging paksa sapagkat nais nilang malaman ang transisyon ng mga pelikula sa pagharap nito sa pagbabago sa teknolohiya ng makabagong panahon.
Hindi itatalakay ng kanilang paksa ang mga nangyari bago ang dekada ’90. Ang mga mananaliksik ay hindi nagkaroon ng kakayahan upang makapagtalakay ng ibang panahon ng pelikula sapagkat kulang ang mga impormasyon na makukuha at mga materyales na gagamitin sa pagtalakay nito.
Subalit nagkaroon sila ng kakayahan na makapagsaliksik ng mga datos na maaaring magamit para sa pagaaral ukol sa industriya ng Pelikulang Pilipino.
Ang panahong 1990s ang nagpasimula ng popularidad ng masaker, teen-oriented na romantikong komedya at anatomy-baring adult films. Ang mga genre ng mga naunang dekada ay parang niresiklo – pareparehas na istorya, at mga tambalan, na naging popular noon na muling bumabalik sa takilya ngayon.
Ang Pilipinas, bilang isa sa kaunaunahang nagpasimula ng industriya ng pelikula sa Asya, ay nanatiling matatag sa aspeto ng pinakamaraming nanunuod ng pelikula sa Timog-Silangang Asya. Sa mga nagdaang taon, datapwat, ang industriya ng pelikula ay nagtala ng pagbaba sa panunuod ng pelikula mula 131 milyon noong 1996 hanggang 63 milyon noong 2004. Kahit na ang industriya ay pumasailalim sa panahon ng unos, ang 21st dekada ay nakita ang muling pagbangon ng indie films sa pamamagitan ng digital na teknolohiya, at ilan sa mga pelikula ay muling nagtamo ng internasyonal at prestihiyosong rekognisyon.
Terminolohiya & Depinisyon
1. Cinematography (Sinematografiya) – Ito ay ang konseptuwal na pagsasaayos ng ilaw at anggulo ng kamera upang maging angkop sa tema ng pelikulang isasagawa. Ang mga imaheng nakunan ay pinagsamasama upang makabuo ng isang gumagalaw na larawan.
2. Production Design – Ito ay ang ginagamit sa mga pelikula at telebisyon na sumasaklaw sa tao o grupo ng mga tao na namamahala sa mga films, programa sa telebisyon, music videos o patalastas. Sila rin ang nagsasaayos ng tunog, biswal, costumes, props, at iba pang estilo na makakapagdagdag ganda sa proyektong isinasagawa.
Mga Pangunahing Uri ng Pelikula
Action Films – Ang mga ito ay madalas na nagbibigay ng empasis sa mga stunts. Maaaring may mga pagsagip, paglalaban, pagtakas at nakakasirang krisis tulad ng pagbaha, pagsabog, natural na kalamidad, sunog, atbp. Nagpapakita rin ito ng walang tigil na paggalaw, rhythm, pacing, at nakikipagsapalarang dalawang-dimensyong medidang tao na lumalaban sa masasamang nilalang.
Adventure Films – Ang mga ito ay may nakakapagbigay aliw na may bagong karanasan o kakaibang istorya. Maaari rin itong maitambal sa action films. Ito ay maaaring magkaroon ng swashbucklers, serialized films, kasaysayan, paghahanap ng kayamanan, disaster films, o paghahanap sa mga bagay na hindi mailahad.
Comedy Films – Ang mga ito ay may mas mababaw na daloy ng kwento na ang layunin ay makapagbigay saya at katatawanan sa pamamagitan ng paglalabas ng sitwasyon, lengwahe, aksyon o relasyon ng mga tauhan.
Crime and Gangster Films – Ito ay nalinang sa palibot ng masasamang aksyon ng mga kriminal, partikular na ang mga underworld figures, mga taong hindi sumunod sa batas, mga magnanakaw at mamamatay tao na mismong pinapatay ang kanilang buhay.
Drama Films – Ang mga ito ay seryoso, may plot-driven na presentasyon na nagpapakita ng makatotohanang tauhan, lugar ng pinangyarihan, sitwasyon ng tunay na buhay, at mga kwento na naglalahad ng matinding paglilinang ng karakter ng isang indibidwal. Madalas ay hindi ito nagtutuon ng pansin sa mga special effects. Ito marahil ang may pinakamalaking genre na maraming subsets.
Epics/Historical Films – Ang mga ito ay kasama rin ng drama, war films, medieval romps, o period pictures na madalas na sumasaklaw sa isang partikular na panahon. Ang mga kwentong ito ay nagbibigay ng mga elemento ng mas malalim na adventure film genres. Ito ay kinukunan na may historikal o nahinulang pangyayari, maalamat, o heroic figure at nagbibigay ng makatotohanang lugar ng pinangyarihan at costume na sinusuot.
Horror Films – Ito ay nakadisenyo upang takutin at palabasin ang matitinding katatakutan, madalas na nakakahindik at nakakagulat na katapusan, habang nagbibigay aliw sa mga manunuod. Ang mga horror films ay nagtatampok ng isang malaking saklaw ng mga paksa. Madalas itong itinatambal sa mga pelikulang science fiction na ang kontrabida ay nabuo dahil sa siyensiya at teknolohiya, o di kaya naman ay ang pananakop ng mga kakaibang nilalang mula sa ibang mundo.
Musicals (Dance) Films – Ang mga ito ay may tipong cinematic na nagdidiin sa mga kanta at sayaw na isinasagawa ng mga aktor at aktres. Maaaring ang pelikula ay umikot sa pagsasayaw o pagkakanta ng mga nagtatanghal bilang parte ng pagsasadula ng storya, o kaya naman ay nakasentro sa mga kombinasyon ng musika, sayaw, kanta o koryograpiya.
Science Fiction Films – Ang mga ito ay kilala rin bilang Sci-fi films na quasi-scientific, o iyong may kuneksyon sa siyensiya. Ito ay kinatatampukan ng mga kuwento tungkol sa mga kakaibang nilalang tulad ng heroes o aliens, mga planeta, imposibleng pangyayari at pinangyarihan, teknolohiyang teknikal sa hinaharap, hindi kilalang lakas, at walang katulad na mga halimaw – lahat ay kundi ginawa ng isang siyentipiko ay ginawa ng isang nuclear havoc. Ito ay kadalasang maihahalintulad sa mga fantasy films, o action/adventure films.
War (Anti-War) Films – Ang mga ito ay kaugnay ng pagaaklas, gera, paglalaban ng mga tao o bansa sa lupa, dagat o himpapawid, depende sa daloy ng storya. Kadalasan ay naihahalintulad ito sa ibang genre ng pelikula tulad ng action, adventure, drama, romance, comedy(black), suspense o epics. Maaaring umugnay ang kwento sa mga operasyon ng mga military o pagsasanay.
Ang ilang terminolohiyang nagamit ay mas matatalakay ng maayos sa Katawan ng pananaliksik na ito. Samantala, ang mga nailahad na pangunahing uri ng pelikula ay makakatulong upang masuri ang uri ng bawat pelikulang ihahambing sa dalawang panahon (1990-1999 hanggang 2000-kasalukuyan).
B. Katawan (Bahagi ng Katawan)
- Kinakailangan ng karampatang kaalaman ng mga mananaliksik sa mga pelikulang naipalabas simula 1990 hanggang kasalukuyan. Kalakip nito ay ang kahalagahan na maunawan ang mga yugto sa paggawa ng isang pelikula at iba pang bagay na mahalaga upang mabuo ito. Ang mga sumusunod ay ang proseso ng paggawa ng pelikula.
Film Making
Film Making ay ang proseso ng paglikha ng FILM, nagsisimula ito sa isang ideya na isinasagawa sa scriptwriting, shooting, editing at distribusyon sa mga manonood. Kinakailangan ng maraming tao at mahabang panahon para makabuo ng isang pelikula. Madami ang gumagawa ng mga pelikula na gumagamit ng ibat’ibang mga teknolohiya at teknik.
Mga yugto sa sa paggawa ng pelkula:
Ang pakasunod-sunod ng paglikha ng pelikula ay nahahati sa limang stages:
· Development. Ang script ay isinusulat at ginagawan ng draft para sa blueprint ng pelikula.
· Pre-production. Ginagawa na ang preparasyon ng shooting, pinipili na ang mga gaganap at kung sino ang mga magtratrabaho sa ibat’ibang mga position. Pinipili na rin ang mga lokasyon kung saan gaganapin ang mga eksena.
· Production. Ang mga elemento para sa tapos na pelikula ay inererekord.
· Post-production. Ang film ay inedit na.
· Sales and Distribution. Binibenta na ang tapos na pelikula sa mga sinehan at sa mga manonood.
Development
Ito ang stage kung saan ang ideya ay nailalabas sa isang script. Ang producer ng pelikula ay maghahanap ng kwento na maaring manggaling sa mga libro, mga kwento, o mga bagong ideya. Sa oras na makahanap na ng tema, ihahanda na ang synopsis. Ito ay susundan na ng step outline na ginagawa sa isang talatang na ang mga kwento ay nagpopokus sa dramang istraktura. Susunod, ihahanda na ang treatment. Ito ay 25 hanggang 30 pahina na deskripsyon ng kwento, mga gaganap, at kulay ng kwento na may konting dayalog at stage direction. Malimit ay mayroon itong mga pagguhit upang makatulong sa pagpapakita ng mga mahahalagang punto.
Ang screenplay ay isusulat na at ito ay isasagawa ng paulit-ulit upang mapaganda and dramatasyon, istraktura, mga karakter, dayalog, at ang kabuuang istilo. Datapwat minsan, nilalampasan ng producer ang mga naunang hakbang at nagpapasa ng mga screenplays na isinasaayos sa prosesong tinatawag na script coverage. Ang film distributor ay dapat kontakin ng maaga para isaayos ang bentahan at ang maaring kitain ng pelikula. Ang mga distributor ay tinitignang pansin ang mga ibat’ ibang aspeto tulat ng film genre, mga manonood , ang tagumpay ng mga dating pelikula ng katulad ng nagawang pelikula, mga posibleng mga aktor at aktres, at mga magagaling na direktor ng pelikula.
Ang pitch ng pelikula ay inihahanda at ipepresenta sa mga maaring makatulong na pinanser. Pag maganda ang resulta ng pitch ng isang pelikula ito ay binibigyan ng “green light” at binibigyan din ng pinansyal na pagtulong. Sila ay ang mga prominenteng film studio, film council o kaya naman mga independent na mga investor. Pagkatapos, pipirma na ng mga kontrata para sa pagtutulungan ng producer at ng mga inverstor.
Pre-Production
Sa pre-production, ang pelikula ay gagawan ng disenyo at pagplaplanuhan. Magkakaroon ng production company at isang production office. And production ay gagawan ng storyboard at ng bisyuwal sa tulong ng mga illustrators at concept artists.
Ang producer ay maghahanap ng mga taong tutulong sa paggawa ng pelikula. Ang ayos ng pelikula at ang budyet ang magbibigay ideya kung gaano kalaki at kung anung klaseng mga tauhan ang kukunin nila sa proseso ng paggwa ng pelikula. Ang mga malalaking distributor ay kukuha ng maraming tauhan ngunit ang mga independent film ay kukuha lamang ng mga 8 hanggang 9 na tauhan.
Mga posisyon ng mga tauhan:
· Ang director ay ang responsable para sa mga pag-aarte sa pelikula at nang pagaasikaso sa mga malikhaing element.
· Ang assistant director (AD) ay ang nagaasikaso sa mga shooting schedule at iba pang mga importanteng gawain. Ang unang AD at ikalawang AD ay may magkaibang trabaho.
· Ang casting director ang naghahanap ng mga aktor para sa mga parte sa mga skrip. Ginaganap ang auditions para sa paghahanap ng mga aktor.
· Ang location manager ay ang naghahanap ng mga lokasyon na gagamiting sa pelikula. Ang mga shooting ay isinasagawa sa studio na ginagamitin ng mga effects pero malimit na ginagawa ang mga eksena sa mismong lokasyon na ibinigay.
· Ang production manager ang nagaasikaso sa mga production budget at production schedule. Siya rin ang nakikipagugnayan sa mga studio executives o sa mga pinanser ng film.
· Ang director of photography (DP or DOP) o cinematographer ang gumagawa ng mga photography ng pelikula. Siya ay nakikipagtulungan sa director, director of audiography (DOA) at AD.
· Ang production designer ay ang gumagawa ng kulay ng mga props at setting ng produksyon. Siya ay nakikipagtulungan din sa mga art director para magawa itong mga elementong gagamitin.
· Ang art director ang nagaasikaso sa art department na gumagawa sa mga production sets.
· Ang costume designer ang gumagawa ng mga damit ng mga gaganap sa pelikula.
· Ang make-up at hair designer ay nagtratrabaho kasama ng costume designer para makagawa ng detelyadong pisikal na kaanyuan ng karakter.
· Ang storyboard artist ang gumagawa ng visual images para makatulong sa director at production designer upang maipagsama ang mga ideya ng production team.
· Ang production sound mixer ang lider the sound department. Siya ang nagrerekord at naghahalo ng mga audio sa set. Siya din ay nagtratrabaho kasama ng director, DOP, at unang AD.
· Ang sound designer ang gumagawa ng mga bagong tunog na nagbibigay ng kulay sa pelikula sa tulong ng foley artists.
· Ang composer ang gumagawa ng mga bagong musika para sa pelikula
· And choreographer ang gumagawa ng mga galaw sa pagarte at ng mga sayaw. Ginagamit ito sa mga musikal na pelikula. Ang iba naman ay gumagamit ng mga fight choreographer.
Ang mga ilusyon na ginagamit sa mga pelikula upang mapakita ang isang eksena sa kwento ay tinatawag na special effects.
Ang special effects ay nahahati sa dalawa, optical effects at mechanical effects. Sa pagpasok ng digital film-making na mga kagamitan, nakita ang malaking pagkakaiba ng special effects at visual effects. Ang visual effects ay para sa digital post-production at ang special effects naman ay para sa on-set mechanical effects at in-camera optical effects.
Ang optical effects, tinatawag ding photographic effects, ay isang uri ng teknik kung saan ang mga film frames ay nagagawa photographically sa paraang kung saan gumagamit ng multiple exposure, mattes o kaya naman ng Schüfftan procees, o kaya naman ng in post-production process na gumagamit ng optical printer. Ang optical effect ay maaring magamit para mailagay ang mga actor at ang set sa iba’t ibang background.
Ang mechanical effects, tinatawag ding practical at physical effects, ay nagagawa tuwing kumukuha ng eksena. Kasama na dito ang paggamit ng mechanized props, scenery, scale model, pyrotechnics, and atmospheric effects: paggawa ng pisikal na hangin, ulan, hamog, nyebe, ulap at iba pa. Ang pagpapakita ng pag-andar ng sasakyan ng mag-isa, o ang pagsabog ng mga istraktura ay mga halimbawa ng mechanical effects. Ang mechanical effects ay kadalasang inihahalintulad sa set design at make-up. Halimbawa, ang isang set ay maaaring gawan ng break-away na pintuan o mga dingding, ang prosthetic make-up namn ay maaaring gamitin upang magmukhang halimaw ang mga aktor at aktress na gaganap.
Production
Ginagawa na ang pelikula sa lebel na ito. Ito ay nangangailangan ng mas marami pang tauhan. Ang iba sa kanila ay ang property master, script supervisor, assistant directors, stills photographers, picture editor, at sound editors. Ito ang ibang kinukuhang tauhan sa paggawa ng pelikula ngunit ang production office ay maaari pang kumuha ng iba na makakatulong sa ibang sitwasyon sa pelikula.
Ang araw ng pagshoshoot ay nagsisimula kapag dumating na ang mga tauhan sa set sa ibat’ibang call time. Ang mga aktor ay may iba’t ibang call time dahil ang paggawa ng set, pagbibihis at lighting ay gumagamit ng maraming oras o kaya naman araw kaya naman ginagawa nila ito ng mas maaga. Ang grip, electric at production design ay laging mas nauuna kaysa sa mga camera at sound departments upang sigurado na matapos ang isang eksena. Habang ang isang eksena ay ifinifilm, sila ay naghahanda na para sa susunod na eksena.
Habang ang mga tauhan sa paggawa ng pelikula ay naghahanda ng kanilang mag kagamitan, ang mga aktor ay nasa mga dressing rooms kung saan sila ay nagaayos ng make-up, buhok at costumes. Ang mga aktor ay inaaral ang script at blocking kasama ng director. Ang mga camera at sound departments ay naghahanda kasama ng mga aktor para gumawa ng mga huling pagbabago sa eksena. Pagkatapos nito ay gagawin na ang eksena. Maaaring gawin ng maraming takes ang eksena hanggang gustuhin ng direktor. Dito laging naririnig ang mga sigaw na “lights, camera, action!”, “cut!”, at iba pa.
Pagkatapos ng araw, aaprubahan ng direktor ang shooting para sa susunod na schedule at ipapasa niya ang pang-araw-araw na progresyon sa production office, kasama na dito ang mga report sheets. Ang mga call sheets ay ipapamahagi sa mga cast at mga tauhan upang malaman kung kailan at saan ang susunod na shooting. Matapos nito, ang director, producer, mga department heads, at minsan ay ilang mga aktor ay nagsasamasama upang panuoring ang mga natapos nilang eksena na tinatawag na dailies. Ito ay rinereview nila. Ang oras ng pagtratrabaho nila ay umaabot ng 14 hanggang 18 na oras sa mga malalayong lokasyon. Ang paglikha ng pelikula ay kinakailanganan ng teamwork. Matapos gawin ang isang pelikula, ang production office ay gumagawa ng isang wrap party para pasalamatan lahat ng mga tauhan at aktor para sa kanilang determinasyon.
Post Production
Ito ang oras upang ayusin ang pelikula ng isang film editor. Ang makabagong paggamit ng video sa proseso ng paggawa ng pelikula ay nagbunga sa dalawang magkaibang uri ng daloy ng paggawa: ang isa ay paggamit lamang ng film, at ang isa ay ang paggamit ng magkahalong film at video.
Sa paggawa ng pelikula, ang orihinal na camera film, mas kilala sa tawag na negative, ay pinaunlad at kinopya sa one-light workprint, na siya namang positibo para sa editing gamit ang mechanical editing machine. Ang edge code ay nirerekord sa film upang hanapin ang posisyon ng mga picture frame. Dahil sa pag-unlad ng non-linear editing system tulad ng Avid, Quantel o Final Cut Pro, ang daloy ng paggawa ng pelikula ay mas gumanda. Sa video na daloy ng paggawa, ang orihinal na camera negative ay dinedevelop at tinetelecine sa video para sa editing gamit ang isang editing software sa kompyuter. Ang timecode ay rinerecord sa video tape upang mahanap ang positon ng picture frames. Ang mga tunog na ginamit sa produksyon ay sinisync up sa video picture frames sa prosesong ito.
Ang unang trabaho ng film editor ay bumuo ng rough cut mula sa mga eksena batay sa indibidwal na kuha. Ang layunin ng rough cut ay piliin at pagsunud-sunurin ang magagandang kuha. Ang susunod ay gumawa ng fine cut sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng mga kinuhanang eksena upang padaluyin sa isang kwento. Trimming, o ang proseso ng pagpapaaikli ng mga eksena sa ilang minuto, segundo, o kahit sa mga frames, ay ginagawa sa parteng ito. Matapos marebyu at maaprubahan ng director at producer, ang mga kuha ay para bagang kinakandado upang wala nang mga pag-iibang maisagawa. Susunod, ang editor ay gumagawa ng negative cut list gamit ang edge code o isang edit decision list gamit ang timecode manual o isang automatikong paraan. Ang edit lists ay kumikilala sa mga pinagkunan o pinagmulan at ang picture frame ng bawat kuha sa fine cut.
Sa oras na ang mga picture ay nakandado na, ang film ay dumaan sa kamay ng editor at tumutungo sa sound department upang buuin ang mga gagamiting tugtog. Ang mga voice recording ay inaayos at ang huling sound mix ay binubuo. Ang sound mix ay ang kombinasyon ng mga sound effects, background sounds, ADR, mga dayalogo o linya sa bawat eksena, walla at tugtog.
Ang mga tunog at picture ay pinagsasama at bumubuo ng mababang quality answer print ng pelikula. Ngayon ay may dalawa nang daloy ng paggawa upang bumuo ng mataas na kalidad ng release print depende sa ginamit na pegrerekord:
1. Sa daloy ng paggawa ng picture, ang cut list na naglalarawan sa film-based answer print ay ginagamit para hatiin ang OCR o original color negative at bumuo ng isang may kulay na kopya na kung tawagin ay master positive o interpositive print. Sa lahat ng mga susunod na hakbang, ito ang nagiging master copy. Ang susunod na hakbang ay gumawa ng kopya na may isang ilaw lamang, na kung tawagin ay color duplicate negative o internegative. Mula rito manggagaling ang maraming kopyang pinal na ipapalabas sa mga sinehan. Ang pagkopya mula sa internegative ay mas simple kaysa sa pagkopya ng direkta mula sa interpostive dahil ito ay one-light na proseso; nababawasan rin nito ang wear-and-tear sa interpositive print.
2. Sa daloy ng paggawa ng video, ang edit decision list na naglalarawan sa video-based answer print ay ginagamit para iedit ang original color tape at bumubuo ng mataas na kalidad na color master tape. Para sa mga susunod na hakbang ito ay epektibong nagiging master copy. Ang susunod na hakbang gumagamit ng film recorder para basahin ang color master tape at kopyahin ang bawat video frame direkta sa pelikula para buuin an gang pinal na pelikulang ipapaplabas sa screen.
Sa huli, ang pelikula ay pinanonood ng mga piling manonood at ano mang mga puna ay maaaring mag-akay sa ilang pang pag-eedit ng naturang pelikula.
Distribusyon at Pagpapalabas
Ito ang huling yugto, kung saan ang pelikula ay pinalalabas sa mga sinehan o kung minsan ay sa mga DVD, VCD, VHS, Blu-Ray, o direktang dinadownload mula sa gumawa. Ang pelikula ay ginagawan ng ilang kopya na kinakailangan para sa distribusyon sa mga sinehan. Para ipakilala ang pelikula sa mga manonood, ilang press kits, posters at ibang uri ng pag-aadvertise ang inilalalbas upang tangkilikin ito ng ga manonood.
Ang pelikula ay kadalasang ipinakikilala sa pamamagitan ng mga pagtitipon, press release, mga panayam at press review at sa ilang mga film festivals. S akasalukuyang panahon, mdalas na ring gumamit ng mga website para isunod sa pelikula. Ang pelikula ay ipinapalabas lamang sa mga piling sinehan at and DVD ay karaniwang inilalalbas ilang buwan pagkatapos. Ang distribution rights para sa pelikula at DVD ay karaniwan ding pinagbibili sa pandaigdigang distribusyon. Ang kita ay hinahati sa distributor at production company.
Mula noong 1990s, ang computer generated imagery, o mga imaheng likha gamit ang computer ay naging malawakan ang paggamit sa mundo ng special effects. Ang CGI ay nagbibigay sa mga gumagawa ng pelikula ng mas malawak na control, at makagawa ng mas maraming special effects sa maikling panahon , mas ligtas na pamamaraan, at mas kapanipaniwalang effects. At dahil mas mura ang paggamit ng CGI, maraming optical at mechanical effects techniques na ginamit noon ang natabunan na ng CGI.
Ang mga sumusunod na datos ay naglalahad ng mga pelikulang nagawa nang taong 1990 hanggang 1999:
Ang mga sumusunod na datos ang nagpapakita ng mga pelikulang nagawa simula 2000 hanggang sa kasalukuyan:
(iclick ang mga larawan upang makita ito ng malinaw)
III. Ang PANGWAKAS ng Pananaliksik
A. Pangwakas (Bahagi)
- Sa aming pananaliksik na may layon na maipakita ang pagkakaiba ng mga pelikula noong 90’s to 2000 at 2000 hanggang kasalukuyan, nakakalap kami ng ilang datos na nagsasaad kung paano ginagawa ang isang pelikula. Kasama dito ang yugtong development kung saan ang mga ideya ay isinasalin na para magawa ang script, ang production kung saan ang producer ay naghahanap na ng mga tauhan para sa paggawa na ng pelikula. Maraming pang mga yugto o hakbang upang makagawa ng isang pelikula at nangangailangan ng sipag, tiyaga, at pasensya upang magawa ito ng maayos. Upang mapaganda pa ang pelikula, gumagamit ng mga ilusyon ang mga editor upang mas maipakita ang realidad ng mga eksena. Ang mga effects ay nahahati sa dalawa, optical effects at mechanical effects. Ang optical effects, tinatawag ding photographic effects, ay isang uri ng teknik kung saan ang mga film frames ay nagagawa photographically. Ang mechanical effect naman ay tinatawag ding practical at physical effects, ay nagagawa tuwing kumukuha ng eksena. Maraming mga pelkula ang naipalabas sa telebisyon, mga sinehan at iba pa.
Ang mga datos na nakalap at naitampok sa Small Katawan ay nagbigay daan upang kritikal na masuri at mabigyan ng kahulugan ang suliranin ng pananaliksik na ito.
Base sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, maihahayag na ang taong 1990-1999 ay kinatampukan ng halos iisang genre – Action. Datapwat puro Action Movies ang naipalabas ng panahong iyon, mayroon ding iba na sinaluhan ng ibang genre tulad ng Drama, Comedy at Romance. Subalit, hindi pa rin ito naging dominante.
Masasabing ang Action Films ang naging patok sa masa noong dekada ’90. Ang mga aktor tulad nina Philip Salvador, Lito Lapid, Robin Padilla, Rudy Fernandez, Ronnie Ricketts, at iba pa ang nangibabaw sa takilya. Ang tema ay paulit-ulit na patungkol sa aksyon, labanan, masasamang tao, bida at kontrabida, gobyernong korupt, o hindi kaya naman ay malaking sindikato. Hindi ganung nagamit ng mas malawak ang Effects dahil sa hindi naman ito ganung kinailangan sa mga pelikulang ang tema ay aksyon. Maaaring ang pagsabog ng kotse, tunog ng baril at ilan pang pagsabog ang ilang effects lang na ginamit. Hindi rin madalas na ginagamit ang special effects sa mga ganitong pelikula lalo pa’t ang Action film ay mas nabibigyan ng pakahulugan sa pagpapakita ng mas “live” na mga eksena at kuha. Hindi ganung kahirap ang maglapat ng musika sa kadahilanang karamihan sa mga pelikulang ito ay instrumental at walang kasamang liriko, maliban na lamang sa theme song ng pelikula. Tulad ng iba’t ibang aspeto sa paggawa ng pelikula, ang cinematography ay paulit-ulit at niresiklo sa magkakasunod na pelikulang naipalabas. Mapapansin na kahit iba iba rin ang mga direktor at producer ng nasabing mga pelikula, hindi nagkakalayo ang cinematography at screenplay sa bawat film na naipalabas. Nagkaroon ng halos 30 at higit pang direktor noong dekadang iyon ngunit parepareho pa rin ang mga aspeto ng pelikulang naipalabas. Ito ay dahil na rin sa pagpatok sa masa, na ang layunin na lamang ng direktor at producer ay kumita. Dahil dito, hindi na nabigyang pansin ang kalidad ng mga pelikulang naisagawa. Mas nabigyan ng atensyon at pokus ang pagiging patok sa takilya at pagkita nito. Noong panahong iyon, mas binibigyan ng halaga ang distribusyon at pagpapalabas ng pelikula. Naisantabi ang kalidad at daloy ng kwento ng mga pelikulang nagawa.
Tignan na lamang natin itong mga katibayan na bawat pelikula noong 1990-1999 ay may halos pareparehong tema:
1. Kapag ang sound effect ay suntukan, parang pakwan na dini-dribble.
2. Kapag ang kontrabida ay yayakap sa bida, itataas niya ang kilay at ngingisi.
3. Kapag may magkaribal na babae, ang mabait ay may diretsong buhok at may bangs. Ang salbaheng babae ay laging kulot.
4. Ang bida ay hindi nauubusan ng bala.
5. Kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
6. Laging may owner jeep na ginagamit ang kalaban kapag habulan.
7. Kapag wala at hinanap kung nasaan ang magulang, anak, kaibigan o sino mang mayamang character, pumunta itong Amerika.
8. Malalamang “moment of truth” na ng bida kapag sinabi na niya ang title ng pelikula.
9. Sasayaw sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate pa ‘yung mga ulo nila.
10. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, ngunit umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.
11. Kapag sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin ng bida: “Hayop ka!”
12. Ang bidang babae, kapag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending.
13. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.
14. Laging merong daan sa likod ang bahay ng bida upang kapag natunton sila ng kontrabida ay makakatakas sila.
15. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”
16. Sa comedy movie, kapag may patay, laging may bulak sa ilong.
17. Laging mas maganda ang katulong na bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.
18. Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, “Mga bata.”
19. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
20. Ang hideout ng kontrabida ay laging mansion na may babae sa pool o hindi kaya naman ay isang lumang bodega.
21. Kapag horror movie, ang mga halimaw ay parang gawa sa gulaman.
22. Kapag car chase scene, laging may mababangga na patong-patong na kahon, o kaya kariton, o kaya fruitstand.
23. Marunong gumamit ng baril at asintado ang leading lady, kahit unang beses palang siya nakakahawak nito sa buong buhay niya.
24. Ang bida kahit anong bugbog mo konting dugo sa may labi lang ang meron pero ang kontrabida basag ang mukha
25. Kapag sa mga action films, palaging tapos na ang barilan, napatay na lahat ng kalaban saka palang darating ang mga pulis.
26. Kapag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast… sabay freeze.
Nakakatawa mang isipin ngunit hindi ito mapapagtanto kung hindi tumatak sa isipan ng masa ang ganitong uri ng pelikula bawat buwan at taon. Naipahayag ang saloobin ng isang kritiko sa pamamagitan ng mas nakaaaliw na paraan upang mahalina ang masa at nang mamulat ito sa mga pelikulang pinapanood. Hindi ito maisusulat at mahihinula sa isip kung hindi ito ang aktwal na nakikita sa mga pelikulang naipalabas. Mapapansin na napakababaw ng daloy ng mga kwento at hindi teknikal ang mga effects. Ito ay nagpapatunay lamang na kahit na patuloy na naglalabas ng pelikula ang mga producers taon-taon ay hindi nito magawang pagandahin ang kalidad ng pelikula. Dagdag pa nito ay walang sapat na teknolohiya upang mapaganda ang ilang aspeto tulad ng musika, effects at iba pang ginagamitan ng makabagong gamit ngayon.
Sa pagpasok ng taong 1999, mapapansin na nagkaroon ng bagong tema ang industriya ng pelikula – homosexuality ni Raymond Bagatsing. Nakatulong ang pelikulang ito sa pagkakaroon ng panibagong transisyon ng mga pelikula sa pagpasok ng taong 2000. Dahil dito, hindi na naumay ang mga Pilipino sa iisang genre.
2000 – Hindi na naging sentro ng uri at tema ang aksyon bagkus ay mas naging malawak ito kumpara sa mga naunang pelikula. Kasabay din nito ay ang paglabasan ng mga artista na hanggang ngayon ay tinitingala pa rin sa industriya tulad nila Claudine Barretto, Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Kristine Hermosa, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angel Locsin, Richard Guttierez, at ilang batikan tulad nila Cherry Pie Picache, Dina Bonnevie, Sharon Cuneta, Vic Sotto, Aga Muhlach, Richard Gomez, at iba pa.
Hindi lamang sa pagkakaroon ng maraming aktor at aktres umikot ang kagandahan ng panahong ito. Hindi na lamang aktor at aktres ang sumisikat, pati na rin ang mga direktor ay gumagawa ng pangalan sa bansa. Ilan lamang sina Joyce Bernal, Jose Javier Reyes, Joel Lamangan, Wenn Deramas at iba pa.
Noong panahong 2000 at sa mga sumunod pang taon ay nagsimulang maglabasan ang mga Independent Films na noong umpisa ay hindi pinapansin ng masa ngunit nang tumagal ay siyang kinikilala at mas nakatatanggap ng mga parangal lokal man o maging internasyonal. Ang mga indie films rin ay nakikipagsabayan sa mga film fest. Dahil dito, mas naging bukas sa mga bagong ideya ang mga film makers at mas napaganda ang mga aspeto sa paggawa ng pelikula.
Sa bawat taon ay inaabangan ng bansa ang Metro Manila Film Festival na isinasagawa simula ika-25 ng Disyembre hanggang sa unang linggo ng Enero. Hindi na lamang ang pagpatok sa masa at pagkita ng pelikula ang layunin ng mga aktor, aktres, direktor at producer nito. Sa halip, mas nabibigyang pansin na ang kalidad ng pelikula dahil na rin sa prestihiyosong parangal na makakamit sa nasabing Film Fest. Kabilang na rito ang pagtatanghal sa best actor/actress, best supporting actor/actress, best picture, best direktor, best child actor/actress – na mas nagpainting na mapaganda hindi lamang ang screenplay ng pelikula ngunit pati na rin ang kalidad ng pagarte ng mga Pilipino.
Ang taong 2000-kasalukuyan ay matatawag ring “Digital Revolution” dahil sa pagpasok ng sa pagpasok ng bagong milenyo, mas nadagdagan ang kaalaman ng mga producer sa teknolohiya ukol sa paggawa ng pelikula. Kabilang na rito ang special effects, video editing choreography, at paggamit ng optical effects at mechanical effects. Mas naging makatotohanan ang mga uri ng pelikula na kinatatampukan ng mga halimaw at iba pang nilalang dahil sa mas napagandang costumes at props. Kasabay nito ay ang mas napadaling distribusyon ng mga pelikula sa pamamagitan ng mga DVD, VCD, VHS, Blu-Ray, o ang direktang pag-download mula sa gumawa.
B. Kongklusyon
- Napagdaanan na ng industriya ng pelikula sa Pilipinas ang iba’t ibang dekada ng pagbabago sa mga aspeto ng paggawa nito. Natunghayan natin ang iba’t ibang genre na nireresiklo bawat taon, ang mga naging sikat na tambalan, paguso ng bomba films, aksyon films, indie films, at kombinasyon ng mga genre upang makabuo ng panibago at iba pa. Sa pagpasok ng taong 2000, unti-unting nagsulputan ang mga makabagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula. Nalapatan ang mga dating hindi klarong tunog, ang mga hindi makatotohanang effects (biswal man o musika), at ibang aspeto nito. Dumaan pa ang ilang taon at mas naging makabago ang mga teknolohiya na ginagamit sa paggawa ng pelikula. Kabilang na dito ang iba’t ibang paraan ng video editing at iba pa.
Kaugnay niyo, karamihan sa mga producers ang nagbibigay daan upang magkaroon ng bagong lahi ng mga filmmakers na inaasahang muling magbabalik ng kinang sa industriya ng pelikula sa bansa.
Isa sa mga naging positibo at magandang epekto ng kasalukuyang panahon ay ang pagkakaroon ng sapat na teknolohiya upang mabago ang biswal na aspeto ng isang pelikula. Hindi lamang sa aspetong ito, kung hind imaging sa iba pa.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang papasok na 2000 hanggang sa kasalukuyan ay ang panahon ng panimulang transisyon ng industriya ng pelikula sa Pilipinas mula sa pagbagsak nito tungo sa pagunlad namang muli.
Kaya upang wakasan ang pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay nagbibigay ng diin sa mga mambabasa at kapwa mananaliksik na ang mga pelikula noon sa pelikula ngayon ay malaki ang pinagbago sa aspeto ng metodolohiya ng pagproseso ng pelikula, na nagkaroon ng mas magandang kalidad ng pelikula kaysa noon.
C. Rekomendasyon
- Ang pananaliksik na ito ay para sa mga nag-aaral patungkol sa larangan ng paggawa ng pelikula upang makakuha sila ng kaalaman at matuto ng mga iba’t ibang teknik.
Ito rin ay para sa mga taong nagtatrabaho sa industriya ng pelikula sa Pilipinas upang maihambing nila ang pagunlad nito sa iba’t ibang panahon at makakapulot sila ng magagandang konspeto sa paggawa ng bagong produksyon.
Mairerekomenda rin ito sa mga taong mahilig sa pelikula upang makadagdag sa kanilang kaalaman ukol sa mga pelikula na ginawa noong 90’s at maikumpara sa mga pelikula ngayon.
---
SANGGUNIAN
· http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm
· http://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_cinema
· http://en.wikipedia.org/wiki/Filmmaking
· http://sweetmafia.blog.friendster.com/2008/11/signs-that-you-are-watching-a-pinoy-movie/
PASASALAMAT
Nais ipaabot ng mga mananliksik ang kanilang taos-pusong pasasalamat, bago ang lahat, sa Poong Maykapal na siyang nagbiyaya ng kakayahan sa mga mananlliksik para maisagawa ang proyektong ito. Sa mga pamilya ng mananaliksik, para sa walang sawang pagsuporta sa lahat ng mga gawain na may kaugnayan sa pananliksik na ito at sa inspirasyong siyang nagbibigay ng pag-asa sa mga panahong punong-puno ng unos. Kay Dir. Boy Vinarao, para sa mga kaalamang naibahagi niya para sa pananliksik na ito. At sa lahat ng mga naging inspirasyon ng pangkat na ito,
Maraming maraming salamat po.
- Julian, Marife, Raymond, Liezel, at Nathan